Photobucket" />
Eyes Behind the Glasses (o-o)
it takes TWO to tango
Friday, July 8, 2011 | 3:00 AM | 2 comments
    may mga bagay na dapat pang dalawahan, parang tsinelas, hindi mo magagamit ang isa pag wala ang kapareha, parang gunting, hindi ka makakagupit kung isa lang ang talim. walang silbi ang isa kung wala ang isa. dapat ganyan din sa buhay pag-ibig "meet halF way" ika nga.. kaya nga hindi ka pwedeng magmahal ng ikaw lang dahil sa pag-ibig dapat dalawa kayong nagtutulungan para "mag-work" yung rElationship diba.. peRo sa panahon ngayon, madalas isa lang ang gumawa para sa Dalawa. hindi naman ito parang isang project lang sa skwelahan na kinasanayan mo nang maging "sabit" laNg, (sabit = ito ay yung mga studyanteng tamad na umaasa laNg at walang itinutulong sa mgA kagrupo nya sa pag gawa ng prOject).

     ang buhay pag-Ibig parang sayaw, "tango" ika Nga,.. dapat dalawa kayong gumagalaw, gumagalaw ng sabay at nagtutulungan upang Matapos nyo ang kAnta. dahil hindi ka naman pwedeng magsayaw ng tango ng mag-isa, mamumuka ka lang tanga na nagsasayaw ng isang tugtuging pangdalawahan at sa bandang huli mapapagod ka lang sa kakasayaw mag-isa ng kantang dapat  dalawa ang bida.. 
     ikaw nalang lagi ang nagpapaubaya, nagbibigay importansya, nagbibigay ng "Effort" para lang manatili kung ano man ang Meron... NAKAKAPAGOD...


     minsan, may mga bagay na sadyang nakakasawa, na kahit gaano mo kamahal, nkakapagod. kasi mag isa ka lang gumagawa, mag isang kumikiLos, mag isang "nag-eeffort". kasi minsan hindi lang sapat na sasabihing "na-appreciate ko yung effort mo, nakikita ko yung mga ginagawa mo", kUlang, kasi kahit nakikita na nya, mag-isa ka paRing gumagawa...

     mas mabuTi nang tapusin kung ano man ang meron,.. parang Sa ethico-moral ng medisina, "unahin gamotin yung mga pasyenteng may malaking pag-asang mabuhay dahil kung uunahin mong gamotin ang pasyenteng mamamatay din, mawawalan ka lang ng supply, mapapagod ka lang, masasayang lang ang effoRt mO" parang isang relasyon nah mamamatay nah, bakit mo pa pipilitin sagipin kung ikaw nalang ang gumagawa? mauubusan ka lang ng supply (pasEnsya), mapapagod ka lang at masasayang lang ang effort mo..



- neji -

Older Post | Newer Post
The Owner
it may not be that obvious, the kind of person that i am, but inside i know i can tell life in its reality,how worst can it be. i am not used in telling stories, nor writing it down in a diary, but i am as eager as i can be, what this blog page can change within me. =] .

Shoutbox

Give A Big Clap To
Skins by Yasmin Syahirah Basecode by Siti Hajar Background by Sis Una

Navigations

About Links Entries