Photobucket" />
Eyes Behind the Glasses (o-o)
SoulMate
Monday, November 21, 2011 | 9:56 AM | 0 comments
SOULMATES, anu nga ba ang soulmate?? may mga nagsasabi na ito ay ang kapares ng kaluluwa mu, ung taong kahati mu, kapareha kumbaga. isang taong nakalaan para sayo, isang taong maiintindihan lahat ng pasikot-sikot ng utak mu, ung taong tatanggap ng lahat-lahat sayo.

 ngunit may mga bagay-bagay na hindi natin naintindihan. hindi naman porket babae ka ay lalaki na ang kapareha mu. hindi naman diretsong sinabi na ang "soulmate" ay ung taong kabaligtaran ng kung anu ang kasarian mu, diba?.. marami sa atin ang hanggang ngayon ay hinahanap parin ang soulmate nya.. isa na siguru ako sa masuswerteng nakita na ang kapareha nila..

Hindi man sya ung lalaking pinapangarap ko, pero sya ung kaibigan na sagot sa mga dasal ko.


si SOULMATE (tawagan talaga namin yan)
matagal na kami magkakilala.. ngunit sa isang review center kami nagkakilanlan..
nung una, tahimik pa ang mundo namin dalawa (shy type pa).. dahil sa common friends namin kaya paminsan-minsan naguusap din.. ngunit sa hindi malamang kadahilanan o kung anu mang hangin ang umihip saming dalawa. bigla nalang kaming nagusap na parang walang ibang taong nakapaligid saamin..
sa dalawang buwan na magkasama kami sa araw araw.. nakita namin kung ganu kami katulad ng isa't-isa.

#1. parehas kaming hindi pa nakasakay ng MRT/LRT (first time nung grand day ng ARTS)
#2. kape! nabibili kami sa kape..
#3. parehas kami ng kalagayan pagdating sa bahay (strict ang parents ee)
#4. parehas kami ng ikot ng love life (no further elaboration pls.. =])
#5. parehas kaming sayaw ang buhay,,
#6. may mga bagay kaming ginagawa na kahit magkalayo ay parehas/sabay parin
       (ex. nagkakape ako sa bahay at ganun din sya sa parehas ng oras)
#7. may mga bagay na kahit hindi namin pagusapan ay parehas kami
       (ex. kulay ng suot na shirt, case ng phone, etc.)

iilan lamang yan sa mga bagay na nadiskubre namin sa isa't-isa..
ngunit hindi lamang sa mga bagay na yan nasusukat ang isang tao upang masabing sya ang kapareha mu..
kokonti palang ang panahon na pinagsamahan namin, pero masasabi kong malalim na ang samahan namin. nandyan ang mga problema na hindi matapos-tapos. mga kwentong paulit-ulit gayong alam naman naming dalwa kung anu ang ending. never namin iniwan ang isa't isa sa gitna ng problema.. sya ung isa sa mga taong alam kong hindi ako iiwan pagnakagipitan na...

madalas kaming mag-asaran kaya hindi maiiwasan ang pikunan, may mga bagay din na pinag-aawayan,  pero parang mga bata, maya-maya nagtatawanan na.. madalas kaming makitang nagsasakitan pero lambing na namin un sa isa't-isa (oo, ako ung madalas manakit.. sadista much ee.. =p)..

araw-araw kaming naguusap pero walang tigil ang kwento.. akala mu hindi nag-usap ng ilang taon..

nakakatuwa, dahil sa iilang buwan pa lamang ng samahan namin.. para na kaming magkakilala since birth.. ganun ako ka-komportable pag kasama sya.. na parang ung buong talambuhay ko alam at nasaksihan nya..

SOULMATE, para sakin. sya na ung kapareha ko.. =]



                                                          (oh diba, pati pose parehas =p)



ikaw? nahanap mu na ba ang soulmate mu??? =]







-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
.....ito ay isang tanung na bumabagabag sa akin habang isinusulat ko ang entry na ito..



                           POSIBLE KAYANG HINDI LANG ISA ANG SOULMATE MU???

Older Post | Newer Post
The Owner
it may not be that obvious, the kind of person that i am, but inside i know i can tell life in its reality,how worst can it be. i am not used in telling stories, nor writing it down in a diary, but i am as eager as i can be, what this blog page can change within me. =] .

Shoutbox

Give A Big Clap To
Skins by Yasmin Syahirah Basecode by Siti Hajar Background by Sis Una

Navigations

About Links Entries