End of Contract
Friday, January 13, 2012 | 7:09 AM | 0 comments
"It just has to end"...
May mga bagay talaga sa buhay ng tao na kelangan matapos para masimulan ng panibago. mahirap, OO, pero hindi mo masisimulan ang chapter 2 kung hindi mu tatapusin ang chapter 1 diba??..
Naging mahirap para sa kanyang kalimutan ang lahat, siguro dahil school, bahay at barkada lang ang naging mundo nya nun nung makilala nya si guy.. mundong masyado nyang minahal dahil un lang ang mundong alam nyang galawan.
Hindi naging madali ang lahat, paulit-ulit na paalamanan, paulit-ulit ding bumalik sa kung saan sya nagsimula, sa pagmamahal sa taong ni minsan hindi sya nagawang mahalin.
akala nya kasi nun kung maghihintay sya magagawa din syang mahalin ni guy, pero HINDI.. naghintay sya sa wala.
Ngunit sadyang may mga bagay din na dahil sa tagal, lumilipas nalang at unti-unting nawawala.. tulad na lamang ng pagmamahal nya. 3 taon. 3 taon syang naghintay, umiyak, at nasaktan nang dahil sa isang lalakeng hindi manlamang sya mapansin.. pero siguru nga sapat na ang 3 taon para mapatunayan nya kay guy kung ganu nya kamahal ito at sa tingin nya sapat na din ang tatlong taon upang mapatunayan ni guy na kahit kelan hindi sya nito magagawang mahalin.
"SIGURO NGA TAMA SILA" mga salitang puno ng pag-sisisi...
__________________________________________________________________________________
ngayong may sarili na syang mundo, hindi lamang school, bahay at barkada, nakita nya kung ganu pala kalaki ang tunay na mundong ginagalawan nya, hindi nya alam kung saan at paano magsisimula..
"MAGSISIMULA AKONG KALIMUTAN ANG LAHAT"
kalokohan ito para sa kanya noong una pero habang tumatagal at napapaisip sya, unti-unti nabuo ang konseptong.. "OO, IIWAN KO NA SYA"
isang bagay na dapat matagal nya na sanang ginawa, pero ngayon lang sya nagkaroon ng lakas ng loob na harapin ang isang bagay na alam nyang mahirap at masasaktan lang sya, "KESA NAMAN MASAKTAN AKO NG PAULI-ULIT DIBA" salitang paulit ulit sa isip nya..
kinausap nya si guy.. isang huling paalam para sa taong minahal nya ng sobra.. tanging si guy lang ang nagsasalita, hindi nya kasi alam kung anong sasabihin nya ee, kung panu nya sisimulan ang mga bagay na gusto nyang sabihin, ni hindi sya makatingin kay guy habang naguusap sila..
lumipas ang ilang oras, wala syang ibang naisagot kundi ngiti at pagtango.. wala syang maramdaman, kahit tuwa o lungkot, wala.. blangko pati isip nya.. tanging pakikinig laman ang nagawa nya.. hanggang sa nagyaya ng umuwi si guy at alam nyang un na ang katapusan, nung oras na tumayo sya sa kinauupuan nya ay ang oras na alam nyang tapos na ang lahat, na un na ang huling beses na makakausap nya si guy..
tinititigan nya si guy, habang nag-aabang ng masasakyan.. titig na alam nyang magmamarka sa utak nya habang buhay, huling sulyap sa taong minahal nya ng sobra at ang tanging salitang pumasok sa isip nya ay
"PAALAM"
__________________________________________________________________________________PAGLAYO, isang bagay na naging mahirap sa kanya nung una pero kelangan gawin.. kelangan nyang makalaya sa kung anung kulungan ang bumibihag sa kanya..
MASAKIT, oo sobra, pero kelangan nyang kayanin dahil alam nyang para sa ikabubuti naman nya 'to.
"MAHIRAP PERO DAPAT NG TAPUSIN ANG LAHAT"
" />